![]() ![]() Patuloy ang pagpapatupad ng mga “ English-speaking zone” sa maraming paaralan para diumano masanay ang mga estudyante sa paggamit ng dayuhang wika. Sa mga eskuwelahan, ang Filipino ay isa lang sa maraming kursong kinukuha ng mga estudyante at ang midyum ng pagtuturo para sa iba pang kurso ay Ingles. Sa puntong ito, pansinin lang natin ang isang madalas na nakakaligtaang indikasyon ng kawalan ng pambansang identidad – ang mababang pagtingin sa sariling wika at ang pagtataguyod ng malawakang paggamit ng wikang Ingles. Huwag na nating suriin ang mga polisiya’t programang alam naman nating nagsisilbi sa interes ng dayuhang kalakal at pamumuhunan. Kapwa Pilipino man ang mga opisyal ng gobyerno, halata naman ang pagiging utak-dayuhan nila. Pero ano ba ang nangyari sa mga sumunod na taon? Ano na ba ang sitwasyon ngayon? ![]() Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898, na siyang ipinagdiriwang ng bansa taun-taon. Madali kasing makalimutang may binasa palang proklamasyon ng kalayaan mula sa mga Kastila si Hen. Hindi ko akalaing 112 taon na pala ang lumipas mula nang lumaya diumano ang Pilipinas sa dayuhang pananakop. – This was published in the June 11-17, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from.
0 Comments
Leave a Reply. |
Details
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |